Ilang kumpanya ng langis, may taas-presyo sa gasolina sa susunod na linggo; Presyo naman ng diesel, bababa

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 03:05 PM

Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, may dagdag na P0.25 sa kada litro ng gasolina habang may tapyas namang P0.40 sa kada litro ng diesel.

Ayon pa sa Shell, mababawasan din ng P0.35 ang kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Ipatutupad ang bagong oil price adjustment simula 6:00, Martes ng umaga (July 9).

Samantala, naunang nagpatupad ng P0.40 na bawas-presyo sa diesel ang Phoenix Petroleum Philippines epektibo 12:00, Sabado ng tanghali (July 6).

Inaasahan namang mag-aanunsiyo na rin ng bagong presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis.

TAGS: BUsiness, diesel, gaas, gasolina, kerosene, Petro Gazz, Shell, BUsiness, diesel, gaas, gasolina, kerosene, Petro Gazz, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.