Ilang senador, nakiramay sa pagpanaw ni ex-Senate Seargent-at-Arms Jose Balajadia Jr.
Nagparating ng pakikiramay ang ilang senador sa pagpanaw ni dating Senate Seargent-at-Arms Jose Balajadia Jr.
Sa ipinadalang mensahe, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na nakalulungkot ang pagpanaw ni Balajadia.
Palakaibigang tao aniya si Balajadia kung saan naibahagi pa nito ang mga karanasan sa militar sa senador.
Nagpasalamat naman si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa mga naging kontribusyon ni Balajadia kabilang ang pag-escort kay Senadora Leila de Lima nang hulihin taong 2017.
Kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagpanaw ni Balajadia dahil sa ilang sakit at kumplikasyon.
Sinabi ni Sotto na nagbitiw sa pwesto si Balajadia noong June 30, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.