Metro Manila at ilang lalawigan, patuloy na uulanin
Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at hangin ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:57 ng hapon, apektado ng sama ng panahon ang Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite, Laguna at Batangas.
Uulanin din ang bahagi ng Concepcion at Capas sa Tarlac at maging sa Iba, Zambales.
Ayon sa weather bureau, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, inabisuhan ang mga apektadong residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.