Legazpi City, isinailalim sa state of calamity dahil sa rabies

By Angellic Jordan July 07, 2019 - 02:56 PM

Isinailalim sa state of calamity ang Legazpi City, Albay dahil sa naitalang kaso ng rabies.

Ayon sa City Veterinary Office, nagkaroon ng isang kumpirmadong kaso ng canine rabies sa lugar.

Nakaaalarma anila ito dahil posibleng itong kumalat sa lugar.

Sa kabuuang bilang ng mga aso sa lugar na 22,000, nasa 8,000 aso lamang ang nabigyan ng anti-rabies vaccine.

Dahil dito, gagamitin ng pamahalaang lokal ang calamity fund para bumili ng mga bakuna sa mga aso.

Payo ng mga otoridad ang mga residenteng may alagang aso, kung hindi pa napapabakunahan, maiging itali muna o ilagay sa cage para maiwasang makagatan ng tao.

TAGS: Legazpi City, rabies, State of Calamity, Legazpi City, rabies, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.