PDEA, pag-aaralan ang mungkahing gawing gamot ang Marijuana

Tinitignan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang posibilidad kung maaring gamitin ang Marijuana bilang medisina.

Ayon kay Director Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, plano nang pag-aralan ang mungkahing gawing legal ang Marijuana sa bansa bilang gamot.

Sisimulan nang gawin ang pananaliksik ng kanilang ahensya tungkol sa medical marijuana.

Ang resulta sa pagaaral aniya ay gagamitin sa kongreso at senado para makatulong sa matalinong diskusyong kaugnay sa nasabing panukala.

Noong 17th Congress ay inaprubahan ng Kamara ang panukala hinggil sa paggamit ng medical marijuana, subalit bigo itong makalusot sa Senado.

Pero sa darating na July 8, muli itong pag-aaralan para sa papalapit na pagbubukas ng 18th Congress.

Nakapaloob sa nasabing batas ay ang:

1. Pagagamit ng medical Marijuana bilang gamot para mga malalalang sakit.

2. Pagpapatayo ng Medical Cannabis Compassionate Center na siyang responsable sa pagbibigay nga medical marijuana sa mga kwalipikadong pasyente.

Samantala, para kay Senate President Tito Sotto III na hindi na kailangan ng batas ukol dito dahil matagal ng pinapairal ng bansa ang paggamit ng marijuan bilang gamot sa may malalang karamdaman at pinagutos ng isang doktor.

Read more...