PDEA, pag-aaralan ang mungkahing gawing gamot ang Marijuana

By Noel Talacay July 07, 2019 - 01:57 PM

Tinitignan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang posibilidad kung maaring gamitin ang Marijuana bilang medisina.

Ayon kay Director Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, plano nang pag-aralan ang mungkahing gawing legal ang Marijuana sa bansa bilang gamot.

Sisimulan nang gawin ang pananaliksik ng kanilang ahensya tungkol sa medical marijuana.

Ang resulta sa pagaaral aniya ay gagamitin sa kongreso at senado para makatulong sa matalinong diskusyong kaugnay sa nasabing panukala.

Noong 17th Congress ay inaprubahan ng Kamara ang panukala hinggil sa paggamit ng medical marijuana, subalit bigo itong makalusot sa Senado.

Pero sa darating na July 8, muli itong pag-aaralan para sa papalapit na pagbubukas ng 18th Congress.

Nakapaloob sa nasabing batas ay ang:

1. Pagagamit ng medical Marijuana bilang gamot para mga malalalang sakit.

2. Pagpapatayo ng Medical Cannabis Compassionate Center na siyang responsable sa pagbibigay nga medical marijuana sa mga kwalipikadong pasyente.

Samantala, para kay Senate President Tito Sotto III na hindi na kailangan ng batas ukol dito dahil matagal ng pinapairal ng bansa ang paggamit ng marijuan bilang gamot sa may malalang karamdaman at pinagutos ng isang doktor.

TAGS: 18th Congress of the Philippines, Director Derrick Carreon na tagapagsalita ng PDEA, medical marijuana, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 18th Congress of the Philippines, Director Derrick Carreon na tagapagsalita ng PDEA, medical marijuana, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.