Dating Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr., pumanaw na
Sumakabilang-buhay na si dating Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia Jr. araw ng Linggo, July 7.
Kinumpirma ni Senate President Vincente Sotto III sa isang text message ang pagpanaw ni Balajadia.
Binawian ng buhay ang dating opisyal bandang alas 2:15 ng madaling araw.
Ayon kay Sotto, maraming nararamdamang sakit si Balajadia at isa sa pinaka-ininda nito ay ang Prostate.
Hindi naman tinukoy ng Senate President kung anong sakit ang kinamatay ni Balajadia.
Si Balajadia ay nagbitiw sa pwesto noong nakaraang June 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.