Injectable Glutathione at Vitamin C, hindi aprubado ng FDA

By Clarize Austria July 07, 2019 - 01:00 PM

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa hindi ligtas na paggamit ng mga produktong Glutathione, Vitamin C at iba pang injectable.

Ayon sa FDA, hind nila aprubado ang mga naturang produkto dahil sa mga delikadong side effects sa paggamit ng mga naturang drip.

Wala rin umanong naitalang mga lehitimong pagsusuri sa mga naturang injectables pati na ang gabay sa paggamit nito.

Dagdag pa ng ahensya, ang mga pampaputing produktong ay maaring makasama sa katawan partikular na sa atay at kidney.

Bukod dito, malaki rin ang tiyansa na magakaroon ng malalang sakit sa balak na Stevens-Johnson Syndrome.

Nanawagan naman ahensya sa publiko na magtungo lamang sa mga tunay na FDA-certified na doktor.

Ang injectable glutathione ay aprubado lang ng FDA bilang gamot sa cisplatin chemotherapy.

TAGS: delikadong side effects sa paggamit ng mga naturang drip, Food and Drug Administration (FDA), gamot sa cisplatin chemotherapy, delikadong side effects sa paggamit ng mga naturang drip, Food and Drug Administration (FDA), gamot sa cisplatin chemotherapy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.