Pilipinas, kailangang magsampa ng kaso kontra sa China—Sen. Gatchalian

Nararapat umanong magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa banggaan sa Recto Bank.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang pagsasampa ng kaso ay upang hindi na maulit ang insidente.

Dagdag pa ng senado, kung hindi magsasalita ang bansa ay maisasantabi ang isyu at maaaring maulit.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na bumangga ang Chinese vessel sa naka-anklang F/B Gem-Ver 1 ng Pilipinas sa Recto bank ngunit hindi nag-ingat na iwasan ang bangka.

Bukod dito, iniwan din ng barko na palutang-lutang sa karagatan ang 22 Pilipinong mangingisda.

Matatandaan na nagkaroon ng banggaan ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China sa Recto Bank na pasok sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas noong June 9.

Read more...