Pilipinas, kailangang magsampa ng kaso kontra sa China—Sen. Gatchalian

By Clarize Austria July 07, 2019 - 12:55 PM

Nararapat umanong magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa banggaan sa Recto Bank.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang pagsasampa ng kaso ay upang hindi na maulit ang insidente.

Dagdag pa ng senado, kung hindi magsasalita ang bansa ay maisasantabi ang isyu at maaaring maulit.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na bumangga ang Chinese vessel sa naka-anklang F/B Gem-Ver 1 ng Pilipinas sa Recto bank ngunit hindi nag-ingat na iwasan ang bangka.

Bukod dito, iniwan din ng barko na palutang-lutang sa karagatan ang 22 Pilipinong mangingisda.

Matatandaan na nagkaroon ng banggaan ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China sa Recto Bank na pasok sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas noong June 9.

TAGS: banggaan ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China sa Recto Bank, Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas, F/B Gem-Ver 1, magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa banggan sa Recto Bank, banggaan ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at China sa Recto Bank, Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas, F/B Gem-Ver 1, magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa banggan sa Recto Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.