Duterte, seryoso sa hamon sa US na magdeklara ng giyera sa China
Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa hamon sa Amerika na pangunahan ang pagdedeklara ng giyera sa China.
Ito ay sa gitna na rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa Recto Bank Incident.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi lamang ang Amerika kundi maging ang iba pang mga kritiko sa bansa ang hinahamon ni Pangulong Duterte na maunang magpaputok laban sa China.
Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang Pilipinas dahil nasa likod lamang ito ng Amerika.
Nakadidismaya ayon kay Panelo dahil si Pangulong Duterte ang palaging kinakaladkad sa gulo sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.