Chinese crew, maaring kasuhan ng Pilipinas—Malakanyang

By Chona Yu July 07, 2019 - 12:15 PM

DA Photo

Kasong criminal at reckless imprudence resulting in damage to property ang maaring isampang kaso ng Pilipinas laban sa Chinese crew na bumangga sa bangka ng 22 mangingisda sa Recto Bank.

Ito ay dahil sa pag-abandona ng Chinese crew sa mga Pilipinong mangingisda sa gitna ng karagatan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, Sinabi ni Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang problema ngayon ay hindi pa nakikilala ang kapitan at mga Chinese crew na sangkot sa insidente.

Ayon kay Panelo, puro “John Doe” o unknown ang magiging respondent sa kaso.

Kasama rin aniya sa asunto ang may-ari ng Chinese fishing vessel.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas makabubuting hintayin muna na ilabas ng China ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Kung aaminin aniya ng Chinese crew ang insidente, dapat na managot sila at magbayad ng karampatang danyos.

Pero sa ngayon, sinabi ni Panelo na hindi pa niya nakikita ang opisyal na resulta ng imbestigasyon sa Recto Bank incident.

TAGS: 22 Pilipinong mangingisda, criminal at reckless imprudence resulting in damage to property, Palasyo ng Malakanyang, Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Recto Bank incident, 22 Pilipinong mangingisda, criminal at reckless imprudence resulting in damage to property, Palasyo ng Malakanyang, Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.