‘Hoverboards’, bawal na sa mga eroplano

By Jay Dones December 22, 2015 - 04:23 AM

 

Mula sa google

Ipagbabawal na ng Cebu Pacific at Philippine Airlines ang mga hoverboards sa mga eroplano.

Ang mga hoverboards ay sikat ngayon sa mga kabataan na ginagamit bilang ‘self-balancing personal transport vehicle’.

Ayon sa advisory ng PAL at CebPac, hindi na nila pahihintulutan na bitbitin ng mga pasahero sa kanilang check-in o carry-on baggage ang mga hoverboards dahil sa safety concerns.

May posibilidad anilang mag-overheat, biglaang sumiklab at masunog ang mga baterya ng mga ito na gawa mula lithium-ion.

Maituturing na ‘fire hazard’ ang mga hoverboard na delikadong ipasok sa isang pressurized cabin tulad ng eroplano.

Nauna nang ipinagbawal ng iba pang mga air carriers tulad ng United, American at British Airways at Singapore Airlines ang mga hoverboards sa kanilang mga flight.

Nitong mga nakaraang buwan, biglang lumobo ang popularidad ng mga hoverboard sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.

Gayunman, maraming mga ulat ang kumalat sa internet kung saan sinasabing bigla na lamang sumisiklab at sumasabog ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.