Liza Soberano, umaasang aayos na ang daliri matapos ang operasyon

By Clarize Austria July 07, 2019 - 07:41 AM

Hindi nawawalan ng pag-asa si Liza Soberano na muling maigagalaw ng maayos ang kaniyang daliri sa kanang kamay.

Ito ay matapos sumailalim ni Liza sa ika-apat na finger surgery para sa kaniyang injury na ginawa sa Amerika.

Sa Instagram post ng aktres, sinabi nito na umaasa siya na ito ang huling operasyon sa kaniyang daliri kung saan nilagyan ito ng bakal.

Dagdag pa ng dalaga, mas mabuti na aniyang naroon pa ang kaniyang daliri kahit hindi na ito maibabalik sa dati.

Matatandaan na nagkaroon ng fracture ang daliri ni Liza habang kinukunan ang isang eksena sa teleseryeng Bagani noong 2018.

Ang injury na ito ang siyang dahilan ng aktress upang umatras sa pagganap sa karakter na “Darna.”

TAGS: Darna, ika-apat na finger surgery, Liza Soberano, nilagyan ito ng baka, Darna, ika-apat na finger surgery, Liza Soberano, nilagyan ito ng baka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.