Lalaki timbog sa buy bust operation sa Maynila

By Noel Talacay July 07, 2019 - 03:41 AM

Arestado ang isang lalaking umanoy tulak ng droga sa Sampaloc, Manila matapos ang buy-bust operation ng mga pulis.

Hindi pinangalanan ang 23 anyos na suspek na isang dilevery boy ng online shop.

Nakuha sa suspek ang P8,000 na halaga ng droga.

Ayon sa pulisya, isang residente ang nagsumbong sa mga otoridad hinggil sa ilegal na transaksyon ng suspek.

Ilang linggong minanmanan ng pulisya ang suspek hanggang maaresto ito sa kanto ng San Jose at Lardizabal streets.

Nabatid na nakulong na dati ang suspek sa kaperehong kaso.

Hindi naman itinanggi ng suspek na nagtutulak nga siya ng droga dahil gusto lang umano nito na tulungan ang may sakit na anak.

TAGS: buy bust, delivery boy, manila, online shop, Sampaloc, tulak ng droga, buy bust, delivery boy, manila, online shop, Sampaloc, tulak ng droga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.