5 Pinoy, guilty sa oil smuggling sa Nigeria

By Jay Dones December 22, 2015 - 04:20 AM

 

Mula sa inquirer.net

Ipinakukulong ng korte sa bansang Nigeria ang limang tripulanteng Pilipino matapos na mapatunayang guilty sa kasong oil smuggling.

Ang hindi pinangalanang mga Pinoy ay kabilang sa siyam na mga tripulante na hinatulan ng Nigerian Court noong Decmber 15 kung saan ang apat ay mga Bangladesh nationals.

Ang grupo ay nahatulan matapos kasuhan ng iligal na pag-iimbak ng crude oil.

Naaresto ang mga suspek noong March sa Lagos Lagoon sakay ng MT Asteris, na ginamit umano ng grupo para itago ang 3,423 tonelada ng crude oil.

Maari lamang makalusot sa kanilang senstensya ang mga Pinoy kung magbabayad ang mga ito ng 20 million naira o katumbas ng $100,000 dollars.

Gayunman, kung mabibigo ang mga ito na bayaran ang multa, makukulong ang mga nahatulan ng hanggang limang taong pagkabilanggo sa isang Nigerian Prison.

Ang Nigeria ang pinakamalaking oil producing country sa Africa.

Gayunman, nasa anim na bilyong dolyar ang nawawalang kita nito taun-taon dahil sa talamak na pagnanakw at smuggling ng crude oil na ibinebenta sa black market.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.