20 sugatan sa pagsabog sa mall sa Amerika

AP photo

Hindi bababa sa 20 katao ang nasugatan sa pagsabog sa isang mall sa Florida.

Ayon sa Plantation Fire Department, dalawa sa mga nasugatan ay seryoso ang kundisyon.

Partikular na nasira ng pagsabog ang LA Fitness gym.

Makikita sa mga larawan iba’t ibang news sites ang lawak ng pinsala bunsod ng sinasabing gas explosion.

Nabatid ng mga otoridad na nasira ang mga gas line at nagkaroon ng active gas leak.

Kabilang sa mga nasira ang isang sarado ng pizza restaurant.

Patuloy ang imbestigasyon sa eksaktong pinagmulan ng pagsabog.

 

Read more...