Mayor Isko sa DILG chief: ‘Hindi kami titigil sa paglilinis ng Maynila’
Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kay Interior Secretary Eduardo Año na hindi titigil ang lokal na pamahalaan sa paglilinis ng Maynila.
Ayon kay Mayor Isko, isang hamon sa kanyang administrasyon na mapanatiling malinis ang lungsod.
Sana anya ay huwag pagdudahan na ngayon lamang ang ginagawang pagbabago sa Maynila.
“Ang challenge natin ngayon ay maging consistent. Huwag sana natin isipin na ngayon lang ang mga nangyayaring pagbabago na ito. We will not stop,” ani Domagoso.
Una rito ay sinabihan ni Año ang Alkalde na panatiliin ang mga reporma nito sa Maynila hanggang matapos ang kanyang 3 taong termino.
Pinuri rin ng Kalihim ang mga ginagawa ni Domagoso gaya ng paglilinis sa mga lugar sa Maynila at pagpapatupad ng mas epektibong pamamahala sa basura.
Nagpasalamat naman si Domagoso kay Año dahil sa pagkilala sa trabaho ng mga tauhan sa city hall at mga barangay sa paglilinis sa syudad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.