Meralco may bawas-singil sa kuryente dahil sa Tarlac solar farm
Makakaasa ang mga consumer ng Meralco ng bawas-singil sa ikatlong sunod na buwan dahil sa pagsisimula ng Solar Philippines Tarlac farm.
Sa pahayag ng Solar Philippines, dahil magsisimula nang mag-dispatch ng supply ng kuryente ang Tarlac solar farm, asahan na makakatipid ang mga consumer ng mahigit P3 kada kilowatt hour o mahigit P600 para sa mga may konsumong 200 kilowatt per hour.
Ito na ang pinakamababang rate sa anumang power supply agreement sa bansa.
Dagdag ng Solar Philippines, kapag nagsimula na ang supply mula sa naturang solar farm ay makakatipid ang Meralco mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kapag nasa peak ang presyo ng kuryente.
Makakatulong din umano ang solar farm para maiwasan ang rotating brownout na naranasan sa nakalipas na mga buwan.
Ang Tarlac Solar Farm, na may peak demand na 150 megawatts, ay ang pinakamalaking solar farm sa bansa.
Ito rin ang una sa magdi-dispatch ng kuryente sa Meralco sa ilalim ng Power Supply Agreement.
“We are proud to be the lowest-cost producer of electricity in the Philippines, and happy that Meralco’s approximately 30 million consumers will now benefit from these low costs,” pahayag ni Solar Philippines President Leandro Leviste.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.