Gerald sa Bea-John Lloyd reunion: ‘Matagal ko ng alam’

By Len Montaño July 07, 2019 - 01:36 AM

Walang problema sa aktor na si Gerald Anderson na magbabalik ang love team nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Katunayan, ayon kay Gerald, isa siya sa mga excited sa reunion nina Bea at John Lloyd.

Matagal na umanong alam ng aktor na muling magsasama sa proyekto ang dalawa.

Si Gerald pa umano ang nagsabi sa dalaga na gumawa uli ito ng pelikula kasama si John Lloyd dahil maraming nakaka-miss sa kanilang tambalan.

Sobra anyang na-miss ng publiko si John Lloyd na isa sa mga iniidolo sa pagiging artista.

Umaasa si Gerald na magpapatuloy na ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd.

Una rito ay naiulat ang pagsasama nina Bea at John Lloyd gayundin si Piolo Pascual para sa endorsement ng isang shawarma food cart chain.

Matagal ng pahinga si John Lloyd sa showbiz dahil sa relasyon nito kay Ellen Adarna at pagkakaroon nila ng anak na si Elias na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang 1st birthday.

 

TAGS: balik-showbiz, Bea Alonzo, elias, ellen adarna, excited, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, love team, matagal ng alam, na-miss, Piolo Pascual, reunion, walang problema, balik-showbiz, Bea Alonzo, elias, ellen adarna, excited, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, love team, matagal ng alam, na-miss, Piolo Pascual, reunion, walang problema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.