CHR iimbestigahan ang pagkamatay ng bata sa police operation sa Rizal

By Noel Talacay July 07, 2019 - 12:15 AM

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkasawi ng 3 taong gulang na si Myka Ulpina sa gitna ng buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal noong June 30.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann De Guia, bumuo na sila ng grupo para imbestigahan ang kaso.

Hiniling naman ng CHR sa gobyerno na bilisan ang imbestigasyon para may maparusahan at may managot sa sinapit ng bata.

Dagdag ni De Guia, si Ulpina ay isang biktima sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra ilegal na droga.

Kaisa anya ang CHR sa pagsugpo sa ipinagbabawal na droga pero dapat umano itong gawin ng tama at alinsunod sa batas.

Noong June 30, sa operasyon ng mga pulis ay nanlaban umano ang suspek at sinasabing ginawang panangga ang kanyang anak na si Myka.

 

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, buy bust, CHR, drug war, iimbestigahan, Myka Ulpina, nanlaban, police operation, Rizal, Rodriguez, War on drugs, Atty. Jacqueline Ann De Guia, buy bust, CHR, drug war, iimbestigahan, Myka Ulpina, nanlaban, police operation, Rizal, Rodriguez, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.