Halos P1.5M halaga ng droga nasabat sa buy-bust operations sa Makati at Mandaluyong
Nasamsam ang halos P1.5 milyong pisong halaga ng droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Makati at Madaluyong.
Unang sinalakay ng PDEA ang isang condominium unit sa Mandaluyong City na ginawang drug den, kung saan naaresto ang anim na drug suspek, kasama ang nagbabantay sa drug den.
Nakuha sa mga suspek ang 110 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P748,000.
Sunod na pinuntahan ang isang kwarto sa isang hotel sa Makati City, kung saan arestado ang dalawang lalaking drug suspects.
Narekober sa mga ito ang 100 na pirasong shabu na nagkakahalaga ng P700,000 at mga drug paraphernalia.
Nabatid na ang 2 suspek ay sangkot sa pag-organisa ng “party and play activity” o sama-samang paggamit ng pinagbabawal na droga sa mga high-end hotel.
Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kaso na isasamap laban sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.