10 bahay natupok sa sunog sa Pasay

By Len Montaño July 06, 2019 - 11:15 PM

Credit: Baby Frank Tumacas

Natupok ang sampung bahay sa sunog na sumiklab sa Barangay Villamor, Pasay City araw ng Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 2:00 ng hapon.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Nahirapan naman ang mga bumbero na agad maapula ang sunog dahil sira ang fire hydrant na malapit sa lugar.

Umabot ng ika-apat na alarma ang sunog na idineklarang kontrolado alas 3:17 ng hapon.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng mga naabong ari-arian.

TAGS: 10 bahay, BFP, fire hydrant, ika-apat na alarma, light materials, naabo, natupok, Pasay, sumiklab, sunog, 10 bahay, BFP, fire hydrant, ika-apat na alarma, light materials, naabo, natupok, Pasay, sumiklab, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.