Chop-chop na bangkay nakita sa ilog sa Camarines Sur

By Len Montaño July 06, 2019 - 10:28 PM

Libmanan Police photo

Natagpuan ang chop-chop na katawan ng isang lalaki sa ilog sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa Libmanan Police, isang residente ang nakakita sa palutang-lutang na sako sa ilog.

Nang iahon ang sako ay may laman itong kalahating katawan ng lalaki habang nakita sa iba pang lugar ang nakasako rin na iba pang parte ng katawan ng biktima.

Inilibing naman na ang bangkay dahil nangangamoy na ito.

Wala pang pagkakilanlan ang bangkay ng lalaki na tinatayang nasa edad 40 anyos pataas.

 

TAGS: camarines sur, chop-chop, ilog, inilibing, lalaki, Libmanan, natagpuan, palutang lutang, sako, camarines sur, chop-chop, ilog, inilibing, lalaki, Libmanan, natagpuan, palutang lutang, sako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.