Nagsagawa na ng kilos kontra dengue ang lalawigan ng Iloilo sabado ng umaga (July 6)
Ito ay matapos na ideklara ang dengue outbreak sa lugar.
Tinawag na “Do Day Kontra Dengue” ang isinagawang drive kung saan ay nagtulong-tulong ang mga residente pati narin ang mga lokal na pamahalaan ng nasabing lalawigan sa paglilinis ng kanilang kapaligiran upang maiwasan na pamugaran ng mga lamok ang maruruming bahagi ng lugar, partikular na sa nakaimbak na tubig.
Samantala, ang paglilinis ay nauna nang ipinagutos nitong Biyernes ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. sa ilalim ng Executive Order No. 16.
MOST READ
LATEST STORIES