Babae timbog sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City

By Marlene Padiernos July 06, 2019 - 06:43 PM

Inquirer file photo

Naaresto ang isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City kaninang madaling araw (July 6)

Target ng Quezon City Police District (QCPD) station 4 sa nasabing operasyon ang suspek na kinilala sa alyas na “Beth”, 40 anyos na di umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga.

Sinabi ni Police Cpl. Darwin Cruz, investigator on case, na agad na inaresto si Beth ng mapagbilhan ito ng poseur buyer ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P12,500.

Nakuha mula sa suspek ang 4 sachet ng hinihinalang shabu na may timbag na labindalawang gramo na tinatayang nasa P136,000 ang halaga ng mga ito.

Nahaharap si Beth sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: Police Cpl. Darwin Cruz, Quezon City Police District (QCPD) station 4, Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Police Cpl. Darwin Cruz, Quezon City Police District (QCPD) station 4, Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.