Isa patay nang tumagilid ang isang 18-wheeler truck na may kargang bakal sa Nasugbu, Batangas

By Marlene Padiernos July 06, 2019 - 06:26 PM

 

Isa ang patay nang tumagilid sa pakurbang bahagi ng national road sa kahabaan ng Sitio Bayabasan sa Barangay Aga ang isang 18-wheeler truck na may kargang higit sa 600 na steel bars.

Sakay ng nasabing trak ang sugatang driver nito na agad namang naisugod sa Jabez Medical Center habang nahirapan namang ilabas mula sa pagkakaipit sa loob ng trak ang pahinante nito.

Samantala, nakipagtulungan naman sa pulisya ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Nasugbu upang agad na marekober ang katawan ng pahinante.

Kasalukuyan paring iniimbestigahan ng pulisya ang mga posibleng dahilan ng aksidente.

TAGS: 18-wheeler truck, 600 na steel bars, Batangas, Jabez Medical Center, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Nasugbu, Sitio Bayabasan sa Barangay Aga, 18-wheeler truck, 600 na steel bars, Batangas, Jabez Medical Center, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Nasugbu, Sitio Bayabasan sa Barangay Aga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.