Davao City Rep. Paolo Duterte umatras na sa pagtakbong House Speaker; speakership bid ni Davao City Rep. Isidro Ungab susuportahan ng batang Duterte

By Erwin Aguilon July 06, 2019 - 01:18 PM

 

Umatras na si presidential son at Davao City Representative Paolo Duterte na kanyang kandidatura Speaker ng Kamara sa 18th Congress.

Sa isang statement, sinabi ni Rep. Duterte na nakausap niya nitong Huwebes ng gabi ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at napagkasunduan na hindi pa ito ang tamang panahon para maging Speaker siya.

Bilang presidente anya ng Hugpong sa Tawong Lungsod ay susuportahan umano ni Pulong ang speakership bid ni Davao City Representative Isidro Ungab mula sa kanilang sister party na Hugpong ng Pagbabago.

 

Dagdag pa ni Duterte, sinabihan na ang kanyang ama tungkol sa partisipasyon ni Ungab sa speakership race sa Mababang Kapulungan.

Ayon sa nakababatang Duterte maaari pa rin siyang makatulong sa administrasyon sa ibang paraan.

Ngayong linggo lamang nang i-anunsyo ni Duterte na sasali na siya sa kompetisyon kasunod ng isyu sa term-sharing sa pagitan nina Marinduque Representative Lord Allan Velasco at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano.

TAGS: 18th congress, Alan Peter Cayetano, Davao City Representative Isidro Ungab, Davao City Representative Paolo Duterte, Hugpong sa Tawong Lungsod, Marinduque Representative Lord Allan Velasco, Rodrigo Duterte, term sharing, 18th congress, Alan Peter Cayetano, Davao City Representative Isidro Ungab, Davao City Representative Paolo Duterte, Hugpong sa Tawong Lungsod, Marinduque Representative Lord Allan Velasco, Rodrigo Duterte, term sharing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.