Southern California niyanig ng M6.9 na lindol

By Jimmy Tamayo July 06, 2019 - 01:06 PM

Muling niyanig ng malakas na lindol ang Southern California dalawang araw matapos ang magnitude 6.4 na na aftershock na naramdaman doon noong huwebes.

Naitala ang lindol sa magnitude 6.9 na nangyari biyernes ng gabi doon o sabado ng umaga dito sa Pilipinas.

Ang epicenter ng pagyanig ay may layong 240 kilometers ng Ridgecrest hilagang silangan ng Los Angeles.

Una itong naitala sa lakas na 7.1 bagamat ibinaba ng European Mediterranean Seismological Agency sa magnitude 6.9.

Ang pagyanig ay naramdaman din sa Las Vegas.

TAGS: European Mediterranean Seismological Agency, M6.9 na lindol, southern california, European Mediterranean Seismological Agency, M6.9 na lindol, southern california

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.