Pansamantalang isasara ang bahagi ng Southbound lane ng Roxas Blvd. bukas, araw ng Linggo (July 7).
Ito’y para sa isasagawang cleanup activities mula alas-3:00 ng madaling-araw hanggang 7:00 ng umaga.
Sa advisory ng Public Information Office ng Manila Police District (MPD) apektado ng road closure ang Katigbak Drive hanggang sa P.Ocampo para sa gagawing “9th Manila Bay Clean-Up Run.”
Kaugnay nito, magpapatupad ng traffic rerouting sa nasabing lugar.
Ang mga motorista ay pinapayuhan na gumamit ng mga alternate routes.
Ang mga alternate routes ay ang sumusunod :
– Ang mga sasakyan na magmumula ng Bonifacio Drive ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos Ave. to point of destination.
– Ang manggagaling naman ng Jones, McArthur at Quezon bridge ay maaaring dumiretso sa Taft Ave. to point of destination.
– Kung magmumula naman ng westbound lane of P. Burgos Ave. Maaaring kumanan sa Bonifacio Drive o mag-U-turn sa eastbound lane ng P. Burgos Ave. to point of destination.
– Lahat naman ng sasakyan mula sa westbound lane ng TM Kalaw St. patungo ng Roxas Blvd. at maaaring kumaliwa sa MH del Pilar St. to point of destination.
– Mula naman sa westbound lane ng UN Ave. maaaring kumaliwa sa MH del Pilar St. o dumaan sa Roxas Blvd. service road to point of destination.
– Mula naman sa westbound lane ng Pres. Quirino Ave. maaaring kumaliwa sa Adriatico St. to point of destination.
– Sa mga sasayan naman mula sa westbound lane ng P. Ocampo St. Patungo ng Roxas Blvd. ay maaaring kumaliwa ng F.B. Harrison to point of destination.
– At sa mga motoristang patungo at galing ng Manila Ocean Park/H20 Hotel at Manila Hotel ay maaaring dumaan sa Katigbak Drive bilang access road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.