P3.002 trilyon National Budget, isasabatas na

By Jay Dones December 22, 2015 - 04:40 AM

 

Malacañang photo/Inquirer

Nakatakda nang lagdaan ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino III ang P3.002 trilyong National Budget para sa 2016.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch bad, doble ang naturang halaga ng 2016 General Appropriations Act sa 2015 kung ikukumpara sa naunang hinawakang budget ng administrasyong Aquino noong 2010.

Ibig sabihin nito aniya, nagpapatuloy ang commitment ng gobyerno na mamuhunan sa taumbayan.

Pinakamalaki aniyang binigyan ng alokasyon sa national budget ang mga social at economic services.

Nagawa rin nila aniyang maipatupad ang mga high-impact budget reforms at ma-streamline ang budget release procedures upang mapabilis ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan.

Sa loob din aniya ng nakaraang limang taon ng Aquino Administration, nagawa nilang mailapit sa mga komunidad ang pagpaplano sa paglalaan ng pondo.

Halimbawa dito aniya ang Bottom-up-Budgeting o BuB program.

Sa ilalim ng BuB, nasa 1,590 syudad at bayan sa bansa ang naging bahagi ng ‘demand-driven’ budget planning kung saan nasa P24.7 bilyon ang nakatakdang gastusin ng pamahalaan sa 14,000 proyekto.

Dagdag pa ni Abad, naumpisahan na sin ang ‘GAA-as-release’ document Program kung saan ang mga budget ng mga ahensya ay agarang mailalabas sa oras na maisabatas na ang General Appropriations Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.