China itinanggi na nagpakawala sila ng missile sa Spratly’s
Walang isinasagawang missile tests ang China sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Pahayag ito ng kanilang Defense Ministry bilang reaksyon sa ibinunyag ng hindi nagpakilalang opisyal ng Estados
Unidos na naglunsad ng ballistic missile tests sa pagitan ng Spratly’s at Paracel Islands na natapos umano noong Miyerkules.
Sa isang statement ay sinabi ng China na walang ganitong pangyayari.
Gayunman, inamin ng Chinese Defense Ministry na nagkaroon ng live firing drills ang People’s Liberation Army Southern Theatre Command malapit sa Hainan island.
Pero hindi naman anila ito nakatuon sa anumang bansa o anumang target.
Sa ulat naman ng People’s Daily, isang Chinese tabloid na pag-aari ng gobyerno, walang ibang layunin ang pahayag ng Amerika kundi pag-awayin ang mga bansa sa rehiyon na may claim sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.