LPA sa Western Mindanao nagdadala pa rin ng pag-ulan
Patuloy na nagdadala ng mga pag-ulan ang binabantayang low pressure area (LPA) na malapit sa Zamboanga.
Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 260 kilometro Hilaga-Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Mababa naman ang tyansa na maging bagyo ang LPA.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan na dulot ng LPA ang mararanasan sa Palawan, Iloilo, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Caraga Region at Hilagang Mindanao.
Mahina naman ang Habagat kaya inaasahan ang maalinsangang panahon sa natitirang bahagi ng bansa na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.