Idineklara ni Governor Arthur Defensor Jr. araw ng Biyernes (July 5) ang dengue outbreak sa buong lalawigan ng Iloilo matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit.
Umabot na sa 3,897 ang kaso ng dengue sa Iloilo simula January 1 kung saan 18 ang nasawi.
Ang deklarasyon ay alinsunod sa memorandum ng Department of Health (DOH) ukol sa Dengue Preparedness and Outbreak Response.
Dahil dito kinakailangang magsagawa ng quick response measures para matugunan ang outbreak.
Sa kanyang Executive Order No. 016., inatasan ang lahat ng district at provincial hospitals na magbigay ng libreng serbisyong kinakailangan sa mga pasyente.
Inatasan din ang ahat ng local government units at mga baranggay na magsagawa ng dengue drive kada Sabado na simula na ngayong July 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.