Jordan Clarkson nagsuot ng Philippine basketball shirt sa training

By Len Montaño July 06, 2019 - 03:30 AM

Agaw-pansin ang suot ni NBA star Jordan Clarkson na t-shirt na may naka-print na bandila ng Pilipinas.

Pagpapakita ito na proud si Clarkson sa kanyang Filipino roots.

Isinuot ng Fil-American NBA player ang isang pulang Nike shirt na mayroong Philippine flag at ang salitang basketball.

Suot ito ng manlalaro sa training session sa Los Angeles.

Si Clarkson, na ang ina ay isang Filipina, ay hayagan sa kanyang pagnanais na maglaro sa Gilas.

Ito ay matapos ang kanyang paglalaro noong 2018 Asian Games kung saan siya ang naging flag bearer ng bansa.

Pero hindi makakasama ang Cleveland Cavaliers guard sa Gilas para sa 2019 Fiba World dahil sa eligibility issue.

Hindi pa rin ikinukunsidera ng Fiba si Clarkson na isang Pinoy kahit holder ito ng Philippine passport.

 

TAGS: bandila, Cleveland Cavaliers, eligibility, FIBA, Gilas Pilipinas, jordan clarkson, NBA, Philippine basketball shirt, training, bandila, Cleveland Cavaliers, eligibility, FIBA, Gilas Pilipinas, jordan clarkson, NBA, Philippine basketball shirt, training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.