LPA malapit sa Zamboanga nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Sa pinakahuling weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 180 kilometro Kanluran-Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City.

Ayon kay weather specialist Lanie Lyn Bitagun, mababa ang tyansa na maging bagyo ang LPA at matutunaw ito sa loob ng 24 oras.

Dahil sa nasabing sama ng panahon, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula at BARMM.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa, maalinsangan ang panahon at may tyansa lang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

 

Read more...