‘Daniela memes’ may malalim na kahulugan ayon kay Dimples Romana

By Len Montaño July 06, 2019 - 02:59 AM

Naaaliw ang aktres na si Dimples Romana sa pagkalat sa social media ng memes ni Daniela, ang karakter nito sa teleseryeng “Kadenang Ginto.”

Paborito ni Dimples ang mga memes ni Daniela sa mga family gathering, K-pop groups at maski ang viral mula sa mga overseas Filipino workers.

Pero paliwanag ng aktres, ang naturang “walk of shame” memes ay mayroong malalim na kahulugan.

Ayon kay Dimples, ipinapakita sa Daniela memes ang “resilience” o katatagan ng mga Pinoy.

Ito anya ang mensahe ng shot kung saan makikita ang naka pulang dress na si Daniela na naglalakad at tila rumrampa kung saan saan.

Paliwanag pa ni Dimples, naglalakad si Daniela kasi wala siyang sasakyan gaya anya ng simbolo na kahit nahihirapan na ang mga Pilipino sa buhay ay fab at gorgeous pa rin si Daniela.

Mahalaga anya, na gay ani Daniela, ay hindi nagpapatalo sa buhay ang mga Pinoy.

Dahil naman sa patok na mga memes ay magkakaroon ng ikatlong season ang Kadenang Ginto.

TAGS: Daniela meme, Dimples Romana, fab, gorgeous, ikatlong season, Kadenang Ginto, katatagan, malalim na kahulugan, resilience, walk of shame, Daniela meme, Dimples Romana, fab, gorgeous, ikatlong season, Kadenang Ginto, katatagan, malalim na kahulugan, resilience, walk of shame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.