Grade 7 student na binaril sa Laguna ‘araw-araw’ na hinalay ng suspek

By Rhommel Balasbas July 06, 2019 - 02:17 AM

Kinumpirma ng mga kaanak ng Grade 7 student na pinatay sa sariling paaralan sa Calamba na inabuso ang binatilyo ng suspek na pumatay dito.

Ayon sa tiyahin ng 15-anyos na biktima, noong Martes, July 2 ay kinasuhan ng biktima si Renan Estrope Valderama ng sexual abuse kaugnay ng Republic Act 7610.

Batay sa affidavit ng biktima, mula Marso hanggang Hunyo ay araw-araw umano siyang hinalay ni Valderama.

Nagseselos din umano ang suspek sa girlfriend at mga kaibigan ng biktima.

Hindi naman itinanggi ng tiyahin ng biktima na nagkaroon ng relasyon si Valderama at ang biktima dahil sa pangakong tutulong siya sa pag-aaral ng binatilyo,

Gayunman, noon pang isang buwan ay nakipaghiwalay na ang biktima dahil hindi na nito kinaya ang ginagawang pang-aabuso sa kanya.

Samantala, nanawagan ang tiyahin ng biktima na sumuko na si Valderama.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek at binalaan ang publiko dahil sa pagiging armado nito.

Tangay-tangay pa rin ng suspek ang kalibre .38 na baril na ginamit sa pagpatay sa bata.

Napag-alaman na nakulong na rin noong 2017 dahil sa kasong theft si Valderama.

 

TAGS: binaril, eskwelahan, Grade 7 student, hinalay, inabuso, laguna, Renan Estrope Valderama, sexual abuse, theft, binaril, eskwelahan, Grade 7 student, hinalay, inabuso, laguna, Renan Estrope Valderama, sexual abuse, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.