Sa kanyang talumpati sa Alangalang, Leyte Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na dapat hayaan ang Amerika na magdeklara ng giyera laban sa China.
“Let America declare the war. Let them assemble all their armaments there in the South China Sea,” ani Duterte.
Dagdag ng Pangulo, dapat mauna ang US na magpaputok at masaya siyang susunod.
Binanggit ni Duterte na mayroon namang umiiral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US kaya kung gusto anya ng gulo ay sige at gawin ito.
“Fire the first shot, and I’d be glad to do the next. May RP-US pact man kaha tayo (We have a US-RP pact), then let us honor it. Do you want trouble? Okay, let’s do it,” dagdag ng Pangulo.
Iginiit ng Presidente na hindi mananalo ang Pilipinas sa giyera sa China kaya sinabihan nito ang US na maunang magpaputok sa South China Sea.
“Ngayon sabi ko, dalhin mo ‘yang lahat ng eroplano mo, barko mo dito sa China. Fire the first shot at nandito kami sa likod. Sige, laban tayo kung sinong mapulpog. Totoo. America.”
Samantala, hinimok naman ni Duterte ang China na huwag palakihin ang isyu sa South China Sea sa gitna ng patuloy nitong reklamasyon at militarisasyon sa pinag-aagawang lugar.
“Kaya ‘yan ang problema natin (That’s our problem). I hope that China would not overdo things also because there is always America pushing us, egging us,” he said. “Anong tingin ninyo sa Pilipino, wati (What do you think of Filipinos, earthworm)?” he said.