Ilang opisyal ng Bureau of Customs sisibakin ni Duterte
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tatanggalin siyang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) pagbalik nito sa Maynila.
Inanunsyo ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Chen Yi Agventures Rice Processing Center sa Alangalang, Leyte Biyernes ng gabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, ilang BOC officials pa ang kanyang sisibakin sa pwesto.
Pero hindi pa pinangalanan ng Presidente ang mga tatanggalin nitong opisyal at ang dahilan ng kanyang aksyon.
Dagdag ng Pangulo, maaari anyang ilagay niya sa Army ang opisyal na aalisin niya mula sa BOC.
Giit ni Duterte, kailangan niyang gawin ang hakbang para sa kapakanan ng bansa.
“When I go back, I would be firing more from the Bureau of Customs. I’m just telegraphing. Maybe ilagay ko na sa Army yang di na ako maniwala not allowed to work, idiots. If my country is sinking, I cannot help my country?” ani Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.