Pabrika ng underwear sa Parañaque, nasunog

Screengrab of Denden Calipay Saludar video

(UPDATE) Sumiklab ang sunog sa isang industrial building sa Multinational Village sa Barangay Moonwalk, Parañaque, Biyernes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog bago mag-alas 8:00 ng gabi.

Partikular na nasunog ang Metro Index, isang pabrika ng mga undergarments.

Nagsimula umano ang apoy sa isang production unit ng pagawaan at kumalat sa imbakan ng tela ngunit kukumpirmahin pa ito ng BFP.

Sinubukan ng mga empleyado na maapula ang apoy ngunit mabilis itong kumalat at hindi na nila napigilan.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog at nahirapan ang mga bumbero na maapula agad ito dahil sa limitasyon sa suplay ng tubig.

Napinsala din sa sunog ang tatlong sasakyan ng pabrika.

Alas-10:12 naman ng ideklarang fire under control ang sunog.

Patuloy na iiimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at aalamin ang kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Read more...