Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Usec. Benny Antiporda sinabi nito na may tatlong punto hinggil sa Irisan Dumpsite ang naplantsa sa kanilang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Baguio City.
Banggit nito dapat matapos ang kasalukuyang buwan ay lahat ng composting machine ay nagagamit at dapat isa ng ecological-tourism park ang tambakan.
Bukod dito, dapat ay nalinis na rin ng mga non-biogredable na basura ang lugar at nadala na ang mga ito sa sanitary landfill sa Urdaneta, Pangasinan.
Magugunita na naglabas ng cease and desist order ang DENR-Environmental Management Bureau Cordillera sa operasyon ng Irisan dumpsite dahil sa kaliwat kanan na paglabag sa Solid Waste Management Act.
Inanunsyo din ni Antiporda na kabilang ang Baguio City sa mga tourist destinations na sasailalim sa rehabilitasyon katulad ng sa isla ng Boracay.