Cease and desist order sa isyu sa basura sa Baguio City, binawi na ng DENR

By Noel Talacay July 05, 2019 - 08:46 PM

Nagkaroon na ng kasunduan ang DENR at ang pamahalaang-lungsod ng Baguio kaugnay sa operasyon ng isang tambakan ng mga basura sa lungsod.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Usec. Benny Antiporda sinabi nito na may tatlong punto hinggil sa Irisan Dumpsite ang naplantsa sa kanilang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Baguio City.

Banggit nito dapat matapos ang kasalukuyang buwan ay lahat ng composting machine ay nagagamit at dapat isa ng ecological-tourism park ang tambakan.

Bukod dito, dapat ay nalinis na rin ng mga non-biogredable na basura ang lugar at nadala na ang mga ito sa sanitary landfill sa Urdaneta, Pangasinan.

Magugunita na naglabas ng cease and desist order ang DENR-Environmental Management Bureau Cordillera sa operasyon ng Irisan dumpsite dahil sa kaliwat kanan na paglabag sa Solid Waste Management Act.

Inanunsyo din ni Antiporda na kabilang ang Baguio City sa mga tourist destinations na sasailalim sa rehabilitasyon katulad ng sa isla ng Boracay.

TAGS: baguio city, DENR, Irisan dumpsite, Usec. Benny Antiporda, baguio city, DENR, Irisan dumpsite, Usec. Benny Antiporda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.