Paggamit ng cellphones ng mga gov’t workers pinalilimitahan ng Civil Service Commission

By Noel Talacay July 05, 2019 - 07:45 PM

Inirekomenda ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada sa mga opisyal ng gobyerno at lokal na pamahalaan na magkaroon ng polisiya para sa paggamit ng cellphone ng kanilang mga kawani sa oras ng trabaho.

Paliwanag ni Lizada batid niya na magkakaiba ang mandato ng mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan kaya’t maaring hindi magkakatulad ang gagawing panuntunan.

Aniya maaring gawin ay magpalabas ng kanya-kanyang memorandum ang mga tanggapan ng gobyerno.

Dagdag pa nito, sa ganitong paraan hindi magkakaroon ng pangit na impresyon ang mamamayan na nangangailangan ng serbisyong-publiko.

Samantala, nagpasabi na si Interior Sec. Eduardo Ano na pag-aaralan nila ang mungkahi ng CSC, gayundin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS: Civil Service Commission, Commissioner Aileen Lizada, Paggamit ng cellphones ng mga gov't workers, Civil Service Commission, Commissioner Aileen Lizada, Paggamit ng cellphones ng mga gov't workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.