PNoy dadalaw sa mga biktima ng bagyong Nona

By Chona Yu December 21, 2015 - 07:54 PM

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

Bibisitahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga residenteng naapektuhan ng bagyong Nona.

Pero ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama, hindi pa inilalabas ng Malakanyang kung saan at kung kailan bibisita ang Pangulo.

Ayon kay Pama, nakahanda na ang mga relief goods na ipamamahagi ng pangulo.

Dagdag ni Pama, oras na gumanda na ang panahon, magiging full blast na ang relief operations ng pamahalaan lalo na sa mga lugar ng Northern Samar, Albay, Mindoro, Masbate, Aurora, Quezon at Nueva Vizcaya.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, 34 na ang patay sa pananalasa ng bagyong Nona at umabot na rin sa mahigit sa P2Billion ang halaga ng mga nasirang ari-arian, agricultural products at imprastraktura ng nasabing bagyo.

TAGS: ndrrmc, NOna. PNoy, Pama, ndrrmc, NOna. PNoy, Pama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.