Mayor Sara Duterte, tutol sa term-sharing sa Speakership
Tinutulan ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang panukalang term-sharing sa Speakership.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Duterte-Carpio na magiging ‘counter-productive’ at babagal ang sistema sa nalalabing tatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit pa ng alkalde na hindi nito maintindihan kung bakit walang pakialam ang mga pabor sa term-sharing sa kahihinatnan ng Kamara.
Nais lamang aniya ng mga ito na magluklok ng bagong House Speaker nang hindi iniisip ang idudulot sa Kamara..
Gayunman, inihayag ni Duterte-Carpio na ang mga mambabatas pa rin ang may pinal na desisyon sa Speakership race.
Matatandaang pumayag ang ruling party na PDP-Laban sa kasunduang term-sharing sa kondisyon na unang mauupo bilang House Spoeaker ang pambato na si Marinduque Rep. Lord Allan velasco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.