‘Shit happens’ statement ni Sen. Dela Rosa sa anti-drug ops, dinepensahan ng Palasyo

By Angellic Jordan July 05, 2019 - 07:48 PM

Kuha ni Jan Escosio

Dinepensahan ng Palasyo ng Malakanyang ang naging pahayag na ‘shit happens’ ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ukol sa anti-drug operations.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang ibig-sabihin ng bagong senador ay maaring mangyari ang anumang aksidente sa kasagsagan ng police operations.

Hindi aniya intensyon ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na makasakit sa naging pahayag.

‘Expression’ lamang aniya ang binitawang salita ni Dela Rosa.

Pero giit ni Panelo, ibang usapan na kung manlalaban o magpapaputok ng baril ang mga target sa operasyon laban sa mga otoridad.

Matatandaang sinabi ni Dela Rosa ang kontrobersyal na pahayag matapos hingan ng pananaw sa pagkamatay ng tatlong taong gulang na babae sa anti-drug operation sa Rodriguez, Rizal.

TAGS: 'shit happens' statement, anti-drug operations, Salvador Panelo, Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, 'shit happens' statement, anti-drug operations, Salvador Panelo, Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.