CHR muling nagpaalala sa pamahalaan sa pagpapatupad ng death penalty sa bansa
Muling nagpa-alala ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno ng huwag magpadalos-dalos sa muling pagpapatupad ng death penalty bilang solusyon sa patuloy na pagkakaroon ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa.
Ayon kay Atty. Jacqueline Ann De Guia, spokesperson ng CHR, dapat maging mapanuri at nakasandig sa katotohanan ang mga pag-uusap ukol sa muling pagpapataw ng parusang kamatayan.
Dagdag pa nito, kapag muling nagkaroon ng ‘capital punishment,’ lalabagin ng Pilipinas pakikipagkasundo sa Second Optional Protocol ng International Covenant on Civil and Political Rights.
Pumirma si dating Pangulong Arroyo sa kasunduan noon 2007 at ito ang naging daan ng kamatayan ng parusang bitay sa Pilipinas.
Paliwanag pa ni de Guia, naniniwala sila na ang bawat krimen ay dapat may katapat na parusa ngunit hindi dapat labagin ang karapatan na mabuhay.
Hindi rin aniya siya kumbinsido na sagot ang parusang bitay para mapigilan ang mga karumaldumal na krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.