2.7 percent inflation sa Hunyo, ikinalugod ng Malakanyang

By Angellic Jordan July 05, 2019 - 07:30 PM

Ikinalugod ng Palasyo ng Malakanyang ang naitalang 2.7 percent na inflation rate para sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, napipigilan ng administrasyon ang pagsipa ng inflation rate sa bansa.

Dahil dito, binati ni Panelo ang mga economic manager para sa maayos na trabaho at maging sa mga mambabatas na nagpasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Nakatulong din kasi aniya ang TRAIN law para mapabagal ang inflation.

Naabot din aniya ng economic managers ang target sa naitalang inflation rate.

Bwelta pa ni Panelo sa mga kritiko, sanay na ang administrasyon sa patuloy na paghahanap ng mali sa sistema ng pamahalaan.

TAGS: economic managers, inflation rate, june, Salvador Panelo, train law, economic managers, inflation rate, june, Salvador Panelo, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.