DepEd kinondena ang pagpatay sa grade 7 student sa Calamba City
Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) na sumailalim sa ‘psychological debriefing’ ang mga estudyante at guro sa Castor Alviar National High School sa Calamba City matapos ang pagpatay sa isang Grade 7 student.
Kasabay nito, kinondena ng kagawaran ang sinapit ni biktima sa kamay ni Ivan Valderama, isang guwardiya.
Pinaigting na rin ang seguridad sa paaralan at mag-uusap na rin ang School Governing Council gayundin ang Parent-teacher Association para matiyak na hindi mauulit ang trahedya.
Nagpaabot na rin ng mensahe ng pakikiramay ng DepEd sa pamilya at kaibigan ng nasawing binatilyo.
Nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang awtoridad sa insidente at patuloy din ang paghahanap sa suspek, na ang larawan ay isinapubliko na ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.